mahirap sigurong makahanap ng batang nangangarap na maging si Jade, ang bidang babae sa sa fairy tale na frog prince, dahil sino ba namang bata ang gustong humalik sa isang palakang palakang kadiri at maraming kulugo?
nung bata pa ko, isa ako sa mga HINDI nangarap na maging si Jade o kaya naman si Belle, dahil ayoko sa mga kagimbal gimbal na nilalang, prinsipe man ito o gwapo sa nakalipas nilang buhay.
pinangarap ko na maging si sleeping beauty na lamang dahil mahilig akong matulog at meron akong flora, fauna at merryweather– si nanay, si ate at ang katulong namin (oo, ang bait sakin ng katulong namin noon, ewan ko lang kung bat kami nilayasan).
hmm. pero wala akong prinsipe kaya hanggang ngayon feeling ko natutulog parin ako at yung dragong nagbabantay sa kin (si tatay) ay nababagot na rin sa kahihintay ng prinsipeng bubugahan nya ng nagaalab nyang hininga (apoy yan).
ayoko rin maging cinderella dahil ayoko ng inaapi, ako yung kadalasang nangaapi lalo na sa mga katulong namin. pero ayokong isipin na ung katulong namin si cinderella, masyado naman siyang ambisyosa. ayoko maging cinderella dahil hindi kagandahan ang paa ko kaya hindi magandang tingan sa isang transparent at glass na sapatos. e mas lalo naman ung sa katulong namin kaya… no comment.
ang tanda ko na, katorse na ko (at malapit na kong mag kinse) pero iniisip ko parin na maging isang prinsesa. wala namang masama sa tingin ko, marami din naman dyang mas matanda pa sakin pero feeling prinsesa parin. =)
hindi ko alam kung bakit ko to sinulat, tinatamad na ko mag ingles dahil nakaka consious sa grammar. haha, pano banaman kasi araw araw, kada serye ng frog prince ay kinikilig ako, gusto ko ng sarili kong Tango (tang-go). kung hindi ka makarelate manood ka ng Frog Prince mon-fri 6pm bago mag bentekwatro oras.
haynaku, liban kay tango (tang-go) ay wala nang iba pang tv personality na nagpapakilig sa kin sa ngayon. masyado pa kong bata (pero muka na kong matanda) at marami pang pwedeng mangyari.
—-
mehn, i can’t believe i wrote “Hate Me” (it’s a naruto fic) grr… i’m surprised. everytime i try to read my own composition which contains some fishy stuff and fishy writing (that includes casual swears and cusses, grammatical errors and stupid spelling mistakes), i always get shocked. i keep repeating this line over and over in my brain, “i can’t believe i just wrote that i can’t believe i just wrote that i can’t believe i just wrote that i can’t believe i just wrote that i can’t believe i just wrote that i can’t believe i just wrote that i can’t believe i just wrote that”
awww mehn! and people are waiting for me to update…. i can’t believe i wrote that! )= i don’t know, i’m not interested in updating. hehe