akala ko ok na…
pero bakit minsan bigla na lang akong madedepress?
sabi ko nga magbabago na ko eh, magaaral na ko ng mabuti, gagamitin ko lahat ng natutunan ko this summer for the benefit of my acads. ayoko mapahiya. i always thought, a change of attitude will fix things. pero minsan, nawawalan ako ng kompyansa sa sarili…
with matters like this, i hardly consult anyone… mainly because, sinong kakausapin ko? the only person whom i know i can talk to will go LOA this first sem… and the other person na nakikitaan ko ng potential na maging good confidante ko… mejo ilang ako. ilang beses ko na rin kasing nireject ang mga coffee invites nya. pero seryoso, minsan magisa ko na lang sinosort out ung feelings ko. well, there’s God shempre… sha lang naman pwede ko kausapin when i feel so alone pero diba… i need company parin.
namimiss ko yung mga naging close ko nung mga nakaraang sem, si chav, si leonard… haaay. i want to relive old friendships. >___>;;
yun nga, i feel bad. sa tuwing naiisip ko na magbabago na ko, ginaganahan ko… na-eexcite ako. pero before i go to sleep, bigla na lang mags-sink yung feeling ko, bigla ko na lang maiisip na wala talaga sa palad ako ang pagiging chem. eng’r, kung baga lalo lang akong maf-frustrate. tapos pag naiimagine ko ang buhay Fine Arts, napupuno lang ako ng pagsisisi. tapos nalaman ko pa na ang dream course ko pala talaga ay yun at ang gusto kong major ay Industrial Design. either that or comsci, pero right now there’s no hope. kelangan ng mataas na grades para lumipat…
too bad hindi ko alam na dapat pinagbutihan ko nung una pa.
nakakalungkot! ano ba yan..
tapos di pa ko tapos sa Good Omens! gusto ko na basahin yung Almost Heaven.
Lord, ang lungkot ko talaga… 🙁