sana nga, arianne. sana nga.
wednesday night:
todo rejoice dahil inannounce na walang klase sa thursday!!!
thursday night:
nag-aaral PA LANG ako for our chem40 theoretical lab exam for friday. at sobrang tamad ko pa mag-aral dahil ina-anticipate ko na wala paring pasok bukas.
at nagkatotoo nga.
friday:
- dahil walang pasok, namove ang dalawa kong exam. hehehe... ayos yun kasi di pa nga ako nag-aaral diba...
- workshop ng org sa likod ng layb. blah blah... grabe ang lakas ng ulan. hehe dumating din pala ung Globe Kantabataan team, hosted by Patty Laurel. funny, akala ko weather reporter lang...
- after workshop. uwi! at last! at dahil wala si terai, nakisabay na lang ako kina jerson at v-rey pauwi. salamat talaga...
- nakaka-inip. around 4pm kami nakasakay ng bus, 7pm na nasa skyway parin kami. take note: SKYWAY na yon! traffic. super.
- pagbaba ng megamall, kumain kaagad ako. tapos ewan ko ba, sinikmura siguro ako kaya sinuka ko rin lahat. huhuhuhu, sayang pera. at dahil dyan, nag-ice cream na lang ako. hehehe... mas rewarding pa pala mag icecream pag bumabagyo.
saturday:
- boring to kasi sira phone lines namin, so walang internet. pati broadband, ayaw makisama... so wala talagang internet.
- pinuntahan ko si terai sa hospital, kasama ko si ate theresa. ayon, ok naman. i tried to study, pero tinamad ako... kaya lumabas ako at bumili ng instant coffee. i tried san mig strong. ang sarap pala nun. pero mas gusto ko parin yung maxwell 3in1. blah blah. nung gabi na, dumalaw sina auntie gene... may dalang pizza! yehey! at dahil andyan si auntie gene, malamang andyan si dianne. at dahil andyan si dianne, nagkape ulit ako. partners in crime ko yun e, bawal parin ako magkape, mind you, pero malakas ang tawag ng starbucks sakin.
-at dahil naka-dalawang baso ako ng kape. hindi ako nakatulog. as. in. 5am na mulat na mulat parin mata ko. ang lakas ng tama. >_>
sunday:
- at dahil dyan, feeling ko tinopak ako. kinuha ko yung wig at make-up. o.O ahahaha, totoo. pagharap ko kay mommy, nagulantang siya. parang, 'anak, anong nangyari sayo?' akala nya nananaginip sya. hahaha pero enjoy naman. kasi natuwa si mommy. inisip ko kasi sobrang pressured sha sa mga pangyayari e... kaya yun. ahahaha, bagay pala sakin brown hair. ahahaha nakakatuwa. may picture ako nun sa digicam! haha tsaka na lang...
- haaay. nag-aalala si mommy dahil lagi parin akong nagsasalita pag tulog... pero ngayon IBANG LEVEL NA! kumakanta na daw ako. lol. nung una di nya maintindihan tapos nung dulo, nagsabi daw ako ng 'moments of love'. hahahahahaha. o.O
- dati sa dorm, kwento ni tita beth na tumatawa raw ako pag tulog, nakatalukbong pa.
- kinikilabutan ako sa sarili ko. ang dami kong friends! meron akong kausap, meron akong kalaro and just recently, MAY KA-DUET NA KO! hahaha katakot.
- ang sakit ng ulo ko pagdating sa simbahan... pero ok lang.
monday:
- eto, balik los banos. ang lakas ng ulan kanina, sana walang pasok bukas. haay.