feeling ko ang malas ko na kahapon. buti na lang. haha
after making up my mind about not joining SMC (smart mountaineers club) because of their super hectic training schedule, and before going home, gutom na gutom na ko so i decided to have chicken joy + coke float for dinner. i went to jollibee paseo at sabi nila wala na silang float! kasi wala ng ice. i told them it’s okay without ice. the crew said lulubog and masosomething (magss-sizzle?) daw yung sundae. sabi ko, okay lang lumubog yung ice cream kasi hinahalo ko naman chaka malamig naman kamo ung coke. sabi nya hindi raw pwede. sabi ko, edi unahin nyo na lang ilagay yung sundae, tas chaka ilagay yung coke. she asked the crew beside her kung pwede raw yun. she got back to me and said hindi daw pwede. umiinit na ulo ko. sabi ko, ediba may flip floats kayong binebenta non? panong hindi pwede? nasa ilalim kaya yung sundae non? hindi parin daw. i stopped arguing, rolled my eyes, and cancelled my order. may issugest pa nga dapat ako eh, na ihiwalay na lang ung coke sa sundae but never mind. sobrang nairita na ko. puro na lang hindi pwede!
feeling ko tuloy bawal talaga i-alter ang isang order even at the customer’s request. i mean, kung float sya. dapat talagang nasa taas ung sundae? argh.
i walked out really mad, mangiyak ngiyak na nga ko sa inis eh. HAHA gutom na ko. i crossed to McDo and asked if they have float, WALA RIN! i even asked kung nagbebenta pa ba sila ng float kasi recently pag umoorder ako lagi na lang wala. it’s not a sarcastic question, more of confirmation lang. nab-bwiset na ko eh. eventually, umalis na lang ako. gusto ko talaga ng fried chicken meal with float!
last attempt, i told myself pag hindi pa ko nakapag float i’ll just eat siomai sa mrt station. i crossed another street to another jollibee, and yeheyy my float sila! to make the unnecessarily long story short, i was happy and full. kaso when i went out mga 930pm na non, anlakas na ng ulan. sobra. for some reason. hay.
i was mentally debating on whether to take the bus or mag mrt parin. in the end, nag-MRT parin ako.
when i came there, the guard was announcing that due to a technical difficulty, all northbound rides are until shaw blvd. only. oh no. umatras ako but after a few steps realized na baka sobrang dami na ring tao sa bus stop. okay, so nag-shaw na lang ako. pagbaba ko ng shaw. SOBRANG DAMING TAO NAGAABANG NG BUS! and all the buses were full up to the windshield. grabe lang.
magpapalipas na lang sana ako ng oras sa jbee/mcdo kaso puno, i thought magccrash na lang ako kila janine kaso hassle din. in the end i decided to just walk aaaaaaall the way back (hanggang United St. lang naman) in hopes of spotting a bus na mejo maluwag.
and thank God may naabutan akong maluwag na bus! standing na pero at least hindi pa puno. hehe and thank God ulit dahil not 5 minutes passed at nakaupo agad ako! perks of being a girl. haha and thank God ulit dahil hindi sumakit ulo ko all throughout the ride. haha. >XD
yey.