Archives

Monday, April 11, 2011

WALA NA TALAGANG LIGTAS NA PANAHON NGAYON

i just had to blog about this.

kakauwi lang ng ate ko ngayon, as in ngayon lang mga 1:00am (april 11,2011). pagpasok nya nanghingi sya sakin ng pambayad sa tricycle kasi nahablutan daw sya ng bag! so naloka naman ako! edi nagkwento sya,

pauwi na si terai galing SM fairview, sumakay sya ng jeep pa-MRT. dun sya sa pinakadulo nakaupo (yung pinakamalayo sa driver). nung nasa Tulyahan bridge na (yung bago mag NCBA, tas FCM) may pumara na apat na kalalakihan tapos bigla na lang hinablot yung shoulder bag nyang red na may kalakihan. nakipag-agawan pa ang loka-loka at balak pa sanang habulin yung mga panget BUTI NA LANG yung isang lalaking pasahero pinigilan sya, sabe "wag mo na habulin yan, sasaksakin ka nila!" edi natauhan ang ate kong kung maka-graveyard shift kala mo nasa call center! mejo sabog pa yata yung mga snatcher kasi mamula mula pa raw yung mata, kakatira lang yata.

naalala ko pa naman, bago sya pumasok for work on that same day sabi nya napanaginipan nya daw na mamamatay sya! edi shempre sabi ko "hindi totoo yun, magdasal ka kasi!" henako! tas biglang ganito?!?! BUTI NA LANG. BUTI NA LANG TALAGA napigilan sya ni kuya! KUYA KUNG SINO KA MAN, salamat sayo! utang ko sayo ang buhay ng ate ko! mahal ka ni Lord!!!! >XD

hay. nakakapanlumo naman. di mo alam kung san ka lulugar. front seat or back seat? haha wala ng ligtas sa mga panahon ngayon. haynako. biruin nyo naman, nasa dulo na nga si terai eh! katabi nya na yung exit (well, entrance din pala)!!!! ibang klase na mga snatcher ngayon, hanggang sa moving vehicles tumitira! >:(((

honestly, hindi ko alam kung anong ipapayo ko senyo,

gusto ko sana sabihin na wag kayo uupo sa dulo ng jeep (away from the driver) or even sa tabi (kasi ganun din, madaling hablutan), e pano kung nasa loob yung villain? >:(

kaya naman as much as possible, lagi tayong mag-pray!
wag magpapa-gabi mag-isa!
AT wag makipag-agawan sa snatcher, kahit gano pa kaimportante/kamahal/kaganda yung dala mo! ialay mo na lang ng kusa yan kundi baka ikaw ang ialay nila sa tulay.

buti na lang Lord, buti na lang safe parin si terai kahit nabalian sya ng finger at nasugatan yung kuko nya kasi nga!! grrr kulit ng lahi!

osya ingat!
Share: