isang araw nakita ko me naka-vandal sa chair na ‘*firstname lastname* ♥ JM’
sabi ko shet, dami kong kaagaw sayo bwiset. di ko mabasa yung surname pero malinaw yung firstname. sabi ko, hahanapin ko tong gurlash na to. kinabukasan, pagbukas ko ng FB may friend request ako galing kay firstname! hindi ko nga nabasa yung lastname sa chair so hindi ko maconfirm kung sya nga si gurlash. pero basing on the common letters and our 17 mutual friends, sya nga. sya nga si gurlash. sya nga, yung dapat na hahanapin ko pero naunahan ako. yung dapat ii-istalk ko pero kusang nagprisenta ng impormasyon. psychic! tingnan mo nga naman ang pagkakataon.
kagabi, lumong lumo ako kakaiyak dito sa pelikulang ito: A Little Thing Called Love (2010). Thai movie yan, divided into 8 parts sa youtube. please watch para masaya.
spoiler? hindi naman.
tuwang tuwa ako sa movie na yan kasi parang nakita ko sarili ko dun sa bida… nung simula. HAHA kasi sya yung panget na na-inlove sa isang heart throb. sobrang laughtrip. nakakatanga, me mga eksenang “shet parang ako lang to ah O_o”. pero sabi ko nga, sa simula lang ako relate na relate at tawang tawa. kasi eventually, nagbloom yung girl at in the end naging sila. inuulit ko, sa simula lang ako nakarelate.