Archives

Saturday, January 8, 2011

anak ng tokwa

iniisip ko kung anong klaseng kabutihan ang nagawa ko para biyayaan ako ni Lord ng full scholarship ngayong taon. iniisip ko rin kung alin sa mga kamalasan ng nakaraang taon ang nagbigay sakin ng ganito kagandang karma. iniisip ko na baka kapalit ng namamayagpag kong pagaaral ay ang sumpang hindi na magkaroon ng buhay pagibig.

nagiisip ako ng iba pang paraan para kumita. 12 hours lang ang pwede kong itrabaho sa school ngayon dahil madami akong kinuhang subjects. hindi ko alam kung kaya ko pang magsulat ng mga artikulo. simula noong sinimulan ko to, araw araw akong puyat. at hindi ko feel na kumikita talaga ko. >:|

tulog na lang ang pahinga ko. at minsan naguiguilty pa kong matulog dahil wala nanaman akong nagawa magdamag kundi mag internet at manood ng anime. wala akong ibang 'break' kundi ang maginternet, tapos sa tuwing ginagawa ko pa yon feeling ko nagkakasala ako dahil imbes na gamitin ko ang oras ko para manaliksik tungkol dun sa dapat kong isulat, ay nakikichika lang ako sa FB. 

feeling ko hindi ko naman dinedeprive ang sarili ko. nakakakain pa naman ako ng tama. nakakapagisip ng tama (sa classroom). masaya naman ako. pero parang may kulang talaga. >:|
Share: