Archives

Sunday, March 2, 2008

antok na ko!

i don't know where else to pour out my frustrations. puro na lang drawing! sa papel, sa planner, sa EXAM (pag walang masagot), sa chairs, sa kamay. hahahaha
 
but come to think of it, feeling ko lang frustrated ako pero... hindi talaga ito yung, err, legitimate feeling of frustration. e ano ba kasi yun?diba kung frustrated ka, your're making a huge effort into something na hindi ka makapag-excel?
 
in short, hindi pala ako frustrated. di naman ako nag-eeffort eh. bwaha.
 
anyhow... it's 2am. and i haven't finished researching for our report on friday. it's a dmn hard topic! amines, amino acids and proteins... bakit ba yun ang napili namin. tsktsk. kukupalin nanaman kami ni sir nito eh.
 
alam nyo ba minsan, kasi feeling ko talaga nag-eenjoy si sir sa klase namin, gusto kong sagutin si sir sa mga pangungupal nya. aba, nagtatanong lang ako tungkol sa postlab ng synthesis of aspirin, sinabihan na ko na kulang ako sa logic?!
 
sayang, ang nareply ko lang ay, "salamat!"
 
alam nyo ba kung bat ang hilig ko magblog?
kasi wala akong makausap! wala akong masabihan ng mga kaweirdohan ko sa buhay.
 
hahaha naghahanap nga ako ng isang tao pwede kong makausap anytime eh. yung makikipagkwentuhan lang sakin (kung may beer, ayos din)... yung kakaiba rin mag-isip. kasi naman, in front of my peers... mega conformist ako... ayoko naman ma-out of place. in fact, ordinaryong tao lang ako sa harap ng marami. hahaha
 
kaya nga mahal na mahal ko ang barkada ko eh. sa kanila ko lang pwede ibuhos ang lahat ng kaweirdohan ka without being judged! bwahahaha legal magjoke ng korni, humirit ng wala sa lugar at magkwento ng magkwento kahit di ka coherent... maiintindihan nila.
 
there's a language formed between friends na alien ang dating sa iba. ayos. hahahaha
 
hmmm... dito kasi sa elbi... hmmm, ok andyan si kat... ang tinuturing kong closest friend ko dito... ayos kasi ok lang maglabas ng kahit ano!
 
na realize ko tuloy.
lahat naman ng tao pwede mong kausapin about anything, pwede mong maging bestfriend, confidante, lahat na... kasi i believe na may kanya kanyang kaweirdohan ang mga tao na pinapakita lang nila sa mga piling tao rin. just like me!
 
ok, this is totally pointless. siguro masyado lang akong inaantok.
ganito na lang... i'll mail my research to my mailbox then i-aaccess ko na lang sa elbi para mabilis... haaaay
 
hahaha sige na nga gooooodnight! (i mean, goodmorning pala)
 
Share: