ang storya sa likod ng aking pagiging estudyante ng department of chemical engineering. na lubos kong isinusumpa.
sa application form:
first choice: UP diliman
course1: journalism
course2: business mgt
second choice: UP Los Banos
course1: communication arts
course2: economics
haaaaa?
bumagsak ako. technically, yes. dahil pinadalhan ako ng rejection letter ng UP kung saan nakasulat at aking UPG. 2.25 ata and passing sa diliman, 2.50 naman sa Los Banos. 2.6 ang nakuha ko.
minarapat ng mga magulang ko na magpawaitlist na lamang sa los banos ngunit kailangang magpalit ng preferred course dahil kung ipipilit ko ang commarts at econ, 2.6 ang grade na ililista nila. mababa, kahiya-hiya at malamang lamang walang papansin sa akin.
ngunit nakita ni mommy na pag kumuha ako ng engineering na course, tataas ang UPG na icoconsider nila, ang 2.6 ko ay magiging 1.5!
ganito kasi yan...
ang UPCAT ay nahahati sa apat na parte: Math, Science, English at Language. may kanya kanyang scores ka na nakuha sa bawat subject at yun ang tinitingnan kung pasok ka ba sa course mo.
FOR EXAMPLE:
assuming na over 100 lahat ng subjects
at eto ang percentile rank mo (actually, akin to):
Math: 90
Science: 91
English: 78
Language: 42
note: ganito ang ibig sabihin ng percentile rank, for example sa math - 90 ang nakasulat, ibig sabihin nasa top 10% ka (100-90) ng mga kumuha ng exam, sa math lang yan. ngayon sa science (see scores above), nasa top 9% ka naman, sa english at language nasa top 22% at 58% ka naman. or more appropriately dahil mababa ang language mo, nasa bottom 42% ka.
hindi ibig sabihin nun ay 90/100 ang nakuha mo sa math!
gets?
dahil dyan, tuloy tayo...
bawat kurso ay may required percentile rankings na kailangang masatisfy ng estudyante bago sya lehitimong makapagaral ng kursong iyon.
for example, para makapasok na ng commarts eto ang minimum standing na dapat nakuha mo sa UPCAT
math: --
science: --
language: 75
reading: 80
example lang yan ha! you see, blanko ang math and science, ibig sabihin... wala silang pakialam kung bobo ka sa math and science ang mahalaga magaling ka sa language at reading. ganun talaga ang mga kurso, hindi lahat icoconsider.
kung dyan ako nagpumilit na pumasok, bagsak agad ako... ang 80 na kailangan sa reading ay hindi ko naabot (dahil 42 lang ang nakuha ko)... haaay. T___T;
ngayon tingnan natin ang chemical engineering:
math: 85
science: 85
language: --
reading: --
kitang kita rin na wala silang pakialam kung bobo ka sa english ang mahalaga ok ka sa math and science. see the logic? mas ok kung dito ako papasok dahil na meet ko ang minimum requirement ng kursong ito. mas mapapadali ang pagpasok ko. mas mapapataas ang ranking ko.
given those, nagpawaitlist nga ako sa chem.eng'g
dumaan ako sa usual process of admission... nagpasa ng kung ano anong mga papeles, nagpa-notaryo at ininterview ng dean.
result: hindi nakaabot.
top 10 lang ang nakapasok.
#12 ako.
masaklap.mapait.napakasakit.
ang pangarap kong makaabot ng kolehiyo ay unti-unting nagalaho.
but wait there's more, rather... there's still 2nd sem. swerte na rin ako dahil tumatanggap sila ng applicants for 2nd sem, unlike diliman. hehehe
so ganun ulit, nagpawaitlist at ininterview ni dean for the 2nd time. nanlalata na ako. pagod na ko e.
june noong lumabas ang resulta ng admitted waitlist applicants for the first sem. october naman ang oras ng pagpasa ng request for waitlist for 2nd sem.
so anong ginawa ko ng mga panahong iyon?
ayon, nasa bahay... naglalaba. hay, bum ako noon.
tapos yun nga... to make the long story short, sa awa ni God, natanggap na ko. #2 ata ako nun. at 6 lang kami na nakapasok. feeling ko rin nga 6 din lang kaming nagapply for 2nd sem eh. naawa na lang siguro sila... or baka naman pinili na lang nila kami alphabetically kasi surprisingly, A,A,B,C,D,E ang surnames namin.
diba ang pathetic? pinilit ko lang talaga makapasok sa UP. feeling ko pa, i'm not worth it.
na shock pa ako. ang taas taas ng tingin nila sa mga chem.eng. pag nababanggit na chem.eng ka, laging 'whoa' ang reply nila.
mind you, hindi ako natutuwa. nalulungkot pa ko sa sarili ko dahil wala akong kilalang chem.eng. na hindi magaling. ako lang ang katangi tanging chem.eng. na panakol ang grades. huhuhuhuhuhu
haaaynaku. it's not even an excuse na commarts talaga ang gusto ko. either course, feeling ko magpapabaya rin ako.
whatever. hahaha ang haba naman nito
Archives
-
▼
2007
(243)
-
▼
December
(17)
- a happy new year to everyone!
- Fuego!
- oh, it's almost new year
- coffee prince ♥
- maligayang pasko! (pasensya na at konyo ang entry ...
- such a short break
- gine pomelo gin pomelo gin pomelo
- scouting for inspiration
- insights, confusion, wishlist
- ang wierd talaga!!!!
- will i ever get the chance to...?
- nah, just sleep it over (bitter mode)
- i'm not sure what to say (weh)
- stolen!
- too young and stupid
- bakit nga ba ako nandito?
- whiskywhisk
-
▼
December
(17)